Friday, October 17, 2008

bago :)

BAGO - hindi luma. bagong bahay, bagong itsura, bago. masarap din ang mga bagay na bago.
bakit ako lumipat?wala naman akong kabalak balak eh. Mahal ko ung dati kaya lang ayaw na ata ako pahintulutan na magsulat dun nakakalungkot nga marami akong nakilala dun, marami na ang nagkomento sa mga wala ko ngang kwentang gawa. Mahalaga un sa akin pero wala ayaw na talaga. kaya ito napilitan ako gumawa ng BAGO.
Kapag bago ang isang bagay sayo, nakakalito pa, hindi mo alam kung magugustuhan mo ba o hindi, hindi mo alam kung magtatagal ba. Magulo ang umpisa, lalo na't hindi ka pamilyar sa mga bagay na nakikita mo dahil nga ang lahat ng nakikita ng mata mo ay BAGO.
Nakakatuwa parang bagong buhay para sa akin to. Walang halong dahilan kung bakit ako nagpumilit sa kabilang bahay na ginawa ko, hindi ko dahilan ang ibang tao. Hindi ko dahilan ang mga walang kwentang tao sa buhay ko sa paggawa ko nito. BAGO, kung meron mang luma un ung mga kaibigan na nasagap ko na sa blogosperyo. Sila ang mga bagong tao sa mundo ko.
Kung bakit nga ganito ang kulay ng mga letra ko, sa totoo lang paborito ko ito, gusto ko lang para ngang tae sa mata kung minsan eh pero gusto ko lang.Tapos. Kung bakit kadramahan ng isang batang iyakin ang pangalan ng blog na ito eh kasi iyakin ako saka aminadon rin akong madrama ako. Masayahin rin ako madalas hindi ko na lang idinuktong dahil lubhang napakahaba na ng titulo.
IYAKIN - mga taong madalas umiyak sa mga simpleng bagay. mababaw ang luha, madaling bumagsak. pilitin man na pigilin hindi pa rin makukuhang pigilan lalo na kapag napakadrama ng pinanood na palabas. Kung minsan kahait napakasaya na umiiyak pa rin. Masayahin ang mga iyakin. Oo masayahin, madalas tawa ng tawa pero wag ka kapag umiyak naman ngawa talaga tulo pa ang uhog kung minsan pati nga laway pa sobra na eh.
IYAKIN ako. ayaw ko nga ng sinisigawan ako, madali ako maiyak sa mga nakakalungkot na palabas in short emotera, emote ng emote. mukhang ng gaga kaka-emote. Mahilig sa nakakaiyak na kanta hindi ako emo sadya lang na madrama ako. Mahilig kong isipin ang mga bagay na hindi nag-workout ng ayos kahit na pinilit ko. Madalas ko isipin ang mga gagu na pinili akong lokohin kaysa mahalin ako (unang post pero gumaganito na ako!) bitter?hindi ah, naiisip ko lang kung gaano sila kagagu :D un lang.
ang haba ng mga pinagsasabi ko taena silang ito ng iph haha ang seryoso ng mga sinabi ko bwiset na i.ph un letche haup hindi ko alam kung anong ginawa kong kasalanan sa site na un bwiset kating kati na ang daliri ko sa pagtatype ayaw ako pahintulutan letche kaya ito napilitan ako lumipat hindi ko alam kung hanggang kelan ako tatagal sa blogger kasi bobo ako sa html watever na un hindi ko alam kung pano gawin ung iph kasi namimiss ko na agad lalo ung kulay saka ung dahon na parang may patay basta ganun daw ang autumn sa kanya sabi nung kaibigan kong napakatalino. nakakaiyak na talaga. waaaaaaa anong gagawin ko dito sa letcheng bahay na ito?

ang mga kaibigan ko nasa BLOGGER
i BLOOM hindi ko alam kung magagawa nya bang ayusin ang kulay pink na site na ito!
si MYKEE busy ang mare ko na ito eh pano na ako?
si JAY lalo naman si father huhuhu ano ang gagawin ko?
si te she busy rin si ate hala helpless na ako :(
si te fruitshake busy rin sya alam ko.
si IYAY nahihiya naman ako :(
ang dami nga nila pero ang dami rin naman nilang gagawin :(
sa iph hindi ko naman pwede ipagtanong huhu
kay kooonin,tinkerbell,kosa,jep,rob,chiko at sa marami pang iba nasa blogdrive naman si JAMIR
patay na ako. mukhang eng eng lang ang site ni shobe huhu.
bakit hindi yeine?eh para maiba hehehe shobe ang pangalan ng unang aso ko db?eh nawala na sya eh hindi ko na sya kasama kaya yun ipinagalan ko na lang sa kanya para masaya ako. bukas try ko humingi ng tulong hehehe sa ngayon bubutingtingin ko muna ang site na ito kung user-friendly bwahaha parang cellphone ba. speaking of cellphone nawala ang cellphone ng ate ko sa star city bwahahah natatawa ako sa kanya hehehe yun lang muna. saka na saka na ako babalik :)